Para sa taong umiwan sa akin


Para sa taong nagbigay nito sa akin. 

"'Wag mo akong iiwan ah? Kasi ikaw, hindi kita iiwan."
"Ikaw lang ang mahal ko, loyal ako eh!'

Yan yung mga katagang binitawan mo sa 'kin. Mga katagang pinanghawakan ko at hindi ko pinangambahan. Mga katagang pinagkatiwalaan. Mga katagang sa'yo nagmula, pero bigla na lang naglaho na parang bula. 

Kamusta ka na? Lagpas isang buwan na ang nakakalipas, ay mali, hindi pala nakakalipas kundi nakalipas. Oo, lumipas na ang mga katagang yun. Na hanggang yan ay naglalaro pa rin sa isipan ko. Pero wala naman na akong magagawa dun. Nangyari na siya. Sa lagpas isang buwan nang pag-iwan mo, halos mawalan na ako ng pag-asa. Alam kong hindi mahalaga ang panahon sa dami na ginawang nating masaya at makabuluhan ang bawat pagkakataon. Kahit hindi tayo umabot ng isang buwan. 

Pero bago yun, magsimula akong magbalik-tanaw sa dulo hanggang sa umpisa. Para magsisimula ang pagbisita sa sakit, sumunod ang saya, at magtatapos sa 'di pagkakakilala sa isa't isa.



February 15, 2017

"Kuya ko lang yung kasama ko sa picture nung linggo. 'Di ba birthday niya?." - J
"Bakit? Hindi ko naman tinatanong ah." - Ako
"Eh bakit ka nagpopost na nasasaktan ka?" - J

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na yun. Miyerkules yun, dapat isang buwan na tayo, hindi ko alam kung malulungkot ba ako dahil iniwan mo na ako o  magiging masaya, na kahit iniwan mo ako, may konting pag-aalala pa palang natitira sa'yo. Pero, mas naramdaman ko yung lunkot, ng malaman kong, yung kuya na tinutukoy mong kasama sa larawan, ay yung bago mong napupusuan na kahit tayo pa, na kahit tayo pa, may kapalit na ako agad. 



February 12, 2017

Linggo, 3 araw bago ang unang buwan ng ating relasyon.Hindi na tayo nakakapagkita dahil sabi mo ay, busy ka. Busy ka. Napagod ako. Napagod akong manlimos. Manlimos ng oras, atensyon, at pagmamahal mo. Oo, napagod ako. Dahil simula nung mangyari ang pangangaliwa mo, ang daming nagbago. Sabi ko, napagod lang ako. Hindi ako sumuko. Gusto ko lang magpahinga. Pero 'di ako susuko. Gusto ko lang malaman, kung ako mismo ang babalewala, hahanapin mo ba ako o ako naman yung pagtutuunan mo ng atensyon. Pero hindi. Kabaliktaran ng aking inaasahan. Ikaw ang sumuko. Nakakalungkot. Ikaw mismo ang sumuko, kahit hindi ikaw yung napagod. Hinintay mo lang siguro akong mapagod. Pero, gusto kong malaman mo, na kahit pagod na ako nung panahon na iyon, na kahit nasasaktan na ako sa ginagawa mo, mahal, mahal, mahal na mahal kita. 

February 1, 2017

"Tatlo kami?" - Ako
"Anong tatlo kayo?" - J
"Tatlo ba kami!!!?" - Ako
"Sorry. :(" - J

Miyerkules ulit. Tatlong araw kang naging cold sa akin. Jan 29, Sunday, sinama kita sa debut ng bestfriend ko. Ok tayo nun, tapos nakita mo nagyoyosi mga ibang bisita, kinukulit mo akong magyosi, ayaw ko sa yosi, kaya nainis ako sayo, pinayagan kita, pero deep inside, naiinis ako. Hinintay kita, pero "di ko kayang pagmasdan kang humihithit ng sigarilyo kaya umalis ako. Hinabol mo ako, pero nagdahilan ako na iaakyat ko lang ang bag natin. Aakmang aalis ka na, pero sabi mo sa labas ka lang, bitbit ang bag mo. Mga 30 minuto tayong hindi nagkibuan, hanggang sa nagkayayaan na mag-inuman. Nagsorry ako sa'yo sa inasta ko. Sabi mo wala lang yun. Nagtext si mama, 'wag na raw kita patulugin sa bahay dahil nagagalit daw si papa, sa tingin ko pansin na nilang hindi lang "classmate" ang namamagitan sa atin, ay ang namagitan pala sa atin. Nagsorry ulit ako, sabi mo ok lang. Umuwi ka noon at hinatid ka namin sa sakayan na ok tayong dalawa. Dumaan ang lunes, martes, hanggang miyerkules. Ang lamig mo sa akin. Daig mo pa siguro yung klima sa Baguio. Di ko alam kung anong dahilan mo. Tinatanong kita pero binabalewala mo mga chats, texts, at tawag ko. Suyo ako ng suyo. Naisipan kong i-reinstall yung app kung saan tayo nagkakilala, gumamit ako ng ibang pangalan at mukha. Chinat kita. Nagulat ako, kasi, nagreply ka. Mas nagulat ako, nung tanungin mo ako, kung Top, versa, o bottom ba ako. Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko. Sinakyan ko lahat ng tanong mo. Hanggang sa nagtanong ako sa'yo, kung may syota ka ba. Hindi mo sinagot. Pero nung nakarami ako ng tanong, sumagot ka. Sabi mo, tatlo kami. Nabigla ako, at nadulas na pagkasabing tatlo kami. Pero bago ko pa masabi yun, binawi mo. Ngunit, sabi mo, wala. Wala kang syota, pero meron kang apat na dinidate. Hanggang sa chinat na kita sa FB, nagmamaang-maangan ka na parang wala kang alam sa mga binggit mo. Hanggang sa, nagsorry ka. Napunit na ng tuluyan puso ko. Pero mahal kita eh, kaya pinatawad kita. Nangako kang hindi na muulit yun. Nangako na walang susuko, ano man ang mangyari. Pero nagbago ang lahat simula nun. Nawal na yung sigla sa pag-uusap natin, hindi na tayo nagkikita. Gusto ko nang sumuko, pero hindi ko ginawa. Kasi, nagbabakasakali ako. Nagbabakasakali na baka bukas o sa mga susunod na araw, bumalik yung dati nating samahan, bumalik yung pagmamahal mo sa akin. 


January 28-29, 2017

"Pupunta akong debut sa 29, gusto mong sumama?" - Ako
"Nakakahiya, hindi naman ako imbitado eh." - J
"Nagsabi naman ako na kasama kita eh." - Ako
"'Di ko sure kung makakasama ako." - J
"Ah ganun ba, sige ok lang." - Ako
"D'yan ako matulog sa 28 para 29 diretso na tayo dun?" - J
"Sige, sige." - Ako

Sabado. Excited akong maipakilala kita sa mga kaibigan ko. Ganun kasi ako ka-proud dahil ikaw ang mahal ko. Linggo. Maaga tayo naghanda para maggym bago dumiretso sa debut. 'Di ako masyadong nagbuhat kasi pinapanood kita. Focus ka sa ginagawa mo. Nagsosoundtrip lang ako habang nagbubuhat ng pakonti-konti. After nating maggym, sumabay ka saming kumain ng tanghalian. Nakapag-usap kayo ni mama ng matagal tungkol sa pagkain at, sa mama mo. Hindi alam ni mama kaya nagtanong siya about sa family mo, natanong niya ang mama mo. Nakangiti kang nagkwento pero alam kong mahirap sa part mo. After nun, nagsorry ako sa nangyari, pero sabi mo ok lang at binigyan mo ako ng isang matamis na ngiti at halik. At yun pumunta tayo sa debut at nangyari ang mga hindi inaasahang mangyari. Iyon na pala ang huling araw na makakatabi kita sa kama at gigising ng kasama ka. Kakain ng kasama ka. Babyahe ng kasama ka. Huling beses na masilayan ka. At, halikan ka.



January 20-21, 2017

"Sunduin kita, otw na ako." - J 4:00pm
"Sige, hintayin kita sa Jollibee Pureza ah" - Ako

Biyernes, unang pagkakataon may sumundo sa akin. Excited ako kasi mararanasan ko na rin sa wakas ang may sumundo sa akin, ang taong pinakamamahal ko. Dumating ka, quarter to 7 pm. Galing ka pa sa inyo, sa may Olympia, Makati. 'Di ako nagreklamo. Susunduin mo na nga ako, magrereklamo pa ba ako. Alam ko rin naman na traffic kaya ok lang. Nagsorry ka ng paulit-ulit, pero tulad nga ng sabi ko, ok lang. Second time mong sumakay ng train. Nung nasa loob na tayo ng train, super lapit mo, syempre ako nahihiya, hindi sa ikinahihiya kita, baka kasi ma-judge ka ng mga tao. Pero ang kulit mo. Dun mo rin binigay yung regalo mo, yung ballpen na picture sa taas, sabi mo, binigay mo yun para maalala kita kahit nasa school ako. Sabi ko naman, kahit wala yun, kahit saan naman ako magpunta, palagi naman kitang naaalala. Sheaffer ang tatak. Nalaman ko na, hindi pala basta basta yung presyo, kaya sabi ko sa sarili ko, kailangan kong ingatan 'to. Nang maka-uwi tayo sa amin, nakakita ako ng balut. Hindi ka kumakain ng balut. Hindi kita pinilit na kumain ng balut, pero palagi kong sinasabi na masarap yun. Sinubukan mo. Kinain mo. Natuwa ako sa'yo. Kumain din tayo ng sisig. Gabi na yun kaya dito na kita pinatulog sa bahay, tulad dati, ang rason ko ay classmate kita at may requirements tayo na dapat tapusin. Kinabukasan, nagising ako na may katabi, ang mahal na mahal ko. Hinatid mo rin ako sa school ko. Habang nasa byahe ay nagvivideo pa tayo, kahit nung natutulog ka, may video ako sayo. Ang cute mo kasi pagmasdan. 




January 15-16, 2017

"Ayyy! Sino yang kasama mo?" - Moshie Dona
"Ay, Si J pala..." - Ako
Nakipagshakehands ka, pero ang tagal bitawan ni Momshie Dona kaya
"Si J, boyfriend ko." - Ako

Linggo. Pumunta ka sa amin at pinanuod mo ako maglaro ng volleyball. Nakaka-frustrate kasi nandun ka. Nakakahiya magka-errors pero naglaro na lang ako ng maayos para 'di naman ako sisihin ng teammates ko. Natuwa ako kasi, first time kong maranasan, na nanonood yung taong mahal ko sa laro. After ng laro, niyaya ko mga kaibigan ko magsimba, para makilala ka nila. Nililigawan mo ako. Habang nasa simbahan tayo, binulungan kita, sabi ko may sasabihin ako sa'yo after ng peace be with you. Sa simbahan, hindi ka nagkomunyon, kasi sabi mo, minsan ka lang magsimba, hinayaan kita. Nagdasal ako ng taimtim. Sinabi ko kay Lord, na ikaw, ikaw yung taong nagpapasaya sa 'kin. Na ikaw, ang magiging boyfriend ko. Naluha pa ako, kasi, first time kong gawin yun. Pero natapos ang misa, nakalimutan kong sabihin sa'yo ang dapat na sasabihin ko sa loob. Nasabi ko na lang siya nung nakipagkilala ka kay Momshie Dona. Oo, bilang boyfriend. Nagulat ka nga eh. Dapat sa simbahan ko sasabihin. Kumain tayo kasama mga kaibigan ko. After kumain, nagsorry ka. Nagtataka ako. Nagsorry ka, kasi, ako, hindi mo ako maipakilala sa mga kaibigan mo, kasi nga, ako ang una mong boyfriend. Naiintindihan ko naman. Nung gabing yun, ito pala yung first time na matutulog ka sa amin. Kilala ka na nila mama at papa, pero bilang classmate, kasi hindi naman nila alam na Biexual ako. Lunes. Sabay tayo umalis pero magkahiwalay ang patutunguhan. Pauwi ka na, ako naman ay papuntang Divisoria dahil mammimili kami ng mga classmates ko ng mga gamit para sa banques operation. Mga hapon, niyaya mo ako magmall. Sabi mo nung umaga, wala kang pera, pero nung hapon, bigla kang nagyaya. Syempre pumayag ako. Mga 4pm ng makasakay ako ng FX sa Quiapo papuntang Megamall, naka-alis ka na rin sa inyo ng mga oras na iyon. Dumating ako ng 4:45 pm. Naghintay ako sa'yo, pero biglang sumama yung pakiramdam ko. Natanong kita kung may dala kang jacket, sabi mo wala, sabi mo, babalik ka para kumuha, pero sabi ko 'wag na para di ka matagalan. Simula sa inyo, dumating ka 6:30 pm. 'Di naman ako nagreklamo kasi sanay na akong maghintay ng matagal. Tinatanong mo ako kung saan ko gusto kumain, sa mga mamahaling resto mo ako dinala, pero ayaw ko kasi masyadong mahal. Alam kong may kaya kyo, mayaman na siguro, pero 'di naman kasi oportunista. Kahit salat ako sa yaman, mayaman naman ako pagmamahal at pag-unawa. Mas pinili kong kumain sa Jollibee, garlic pepper beef ang inorder ko. After natin kumain, nilibre mo ako ng Sine. Vince, Kath, and James. Favorite ko kasi nandoon si Ronnie Alonte. Habang nanonood, hawak mo ang kamay ko. Nakafocus ako sa palabas at kinikilig. Kapag nakikita ko si Ronnie, lumilingon ako sa'yo at tinatawanan mo ako. Natapos ang sine ng masaya. After ng sine, niyaya mo ako magkape, naghanap tayo ng Starbucks kaso wala na. Biglang sumama pakiramdam ko kaya sabi mo, umuwi na lang tayo. Balak mo pa akong ihatid sa amin, pero sabi ko, ok lang ako at kaya ko naman. Pina-una mo akong makasakay ng uber. Nagpaalam ako sa'yo. Nagpasalamat ako sa'yo at nangakong babawi ako kapag nakaluwagluwag na ako. Naintindihan mo naman ako. Nang tuluyan ng umandar, nagapasalamat ako sa Diyos, sana ikaw na talaga.




January 11, 2017

Miyerkules. Ito ang una nating pagkikita matapos nating makapag-usap sa app na nagkakilanlan tayo. Unang pagkikita pero nagtataka ako, kasi super clingy mo. Sa bahay tayo tumuloy, ito ang unang araw mo at unang paalam ko sa magulang ko na may classmate akong pumunta. Dito nagsimula ang lahat.



March 24, 2017
Tapos na ako magbalik-tanaw. Ngayon, tatapusin ko na ito. Hindi sa malungkot na paraan. Ito na. 

Lagpas isang buwan na. Isang buwan na rin siguro kayo ng "🐻" mo. Oo, alam ko. Ginamit ko ang old IG account ng kaibigan ko para ma-stalk kita kung kamusta ka na. Pero, sa galing kong magkalap ng pangalan sa IG mo, nalaman ko, na yung kuyang tinutukoy mo dito, ay hindi mo naman talaga kuya. Siya na pala yung bago mo. Bago tayo maghiwalay, hindi pa bago caption mo dun. Pero nagbago na siya. Ang dating emoji, ngayon, "Quality Time" na. Ini-stalk ko yung bago mo, lahat ng pinost mo sa my day, pati na rin yung "Quality Time", nandun sa feed niya. Alam mo, nagtataka ako kung bakit naging defensive ka na sabihin na kuya mo yun kahit hindi naman talaga, kahit hindi na tayo ay nag-explain ka pa. Pero alam mo, hindi ako galit sa'yo, or kahit sa bago mo, hindi ako galit. Masaya ako para sa inyo. Deserve mo naman ang sumaya. Dapat mahalin mo siya ng higit sa binigay mo sa akin. 'Wag mo rin siyang sasaktan tulad ng ginawa mo sa 'kin. Syempre, para sa bago niya, alagaan mo 'tong mokong na 'to ah. Makulit yan at childish. Mahalin mo siya ng higit sa pagmamahal na binigay ko. Sana maging masaya at matatag kayo. :) 

Kung mababasa mo man ito, panigurado akong masaya na ako. Hindi masaya dahil may mahal nang iba. Masaya, kasi, kahit sa ganitong paraan, nakayanan kong ilathala 'tong istorya kong 'to. Gusto ko lang, na sana, maging magkaibigan tayo. Para kahit papaano, dun tayo nagsimula, dapat dun din tayo magtapos. Sana maging ok ang friendship natin. Pero kung ayaw mo, ok lang naman sa 'kin. Salamat. :)

Comments